
Maikling Pagsusulit (Aphrodite)

Quiz
•
English
•
11th Grade
•
Hard
AVA ORIA
Used 12+ times
FREE Resource
25 questions
Show all answers
1.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Suriin ang katangian at kalikasan ng bawat pahayag. Tukuyin kung ang paglalarawan ay subhetibo o obhetibo.
Ang perpektong kono ng Bulkang Mayon ay isang tanawing binabalik-balikan ng mga turistang nagmumula pa sa iba't ibang panig ng bansa at mundo. Itinuturing itong pinakaaktibong bulkan sa bansa dahil sa humigit-kumulang limampung beses na pagsabog nito sa nagdaang apat na raang taon. Mapanira at kasindak-sindak ang mga naging pagsabog nito subalit sa mga panahong panatag ang bulkan ay isang balani ng kagandahan nitong nakatunghay sa Kabikulan.
Subhetibo
Obhetibo
2.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Suriin ang katangian at kalikasan ng bawat pahayag. Tukuyin kung ang paglalarawan ay subhetibo o obhetibo.
Ang bawat pagkaway niya ay tinutumbasan ng nakabibinging pagtili ng kanyang mga tagahanga. Walang hindi naaakit sa malalalim niyang biloy na agad lumilitaw kapag ang kanyang maaamong mukha ay binubukalan ng matatamis na ngiti. Sinasabi ng mga nakakikilala sa kanyang hindi lang siya basata guwapo sapagkat mabuti rin daw ang kanyang kalooban o pagkatao. Siya si Alden Richards, ang isang personalidad ng sikat na sikat na parehang binansagang "Aldub" na kumokompleto sa pananghalian ng marami.
Subhetibo
Obhetibo
3.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Suriin ang katangian at kalikasan ng bawat pahayag. Tukuyin kung ang paglalarawan ay subhetibo o obhetibo.
Hindi si Jonathan ang tipo ng lalaking mangunguna sa away-kalye. Matangkad ngunit patpatin ang katawan dahil sa bukod sa may kahinaang kumain ay wala rin gaanong hilig sa isports maliban sa pagsunod sa ilang larong required kunin sa PE. Gayunman, kung ano ang kakulangan sa pangangatawan ay siyang namang liksi ng isipan. Isa siya sa pangunahing miyembro ng debate club, laging nangunguna sa klase, at editor-in-chief ng kanilang pahayagang pampaaralan.
Subhetibo
Obhetibo
4.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Suriin ang katangian at kalikasan ng bawat pahayag. Tukuyin kung ang paglalarawan ay subhetibo o obhetibo.
Naiwan sa balikat ni Andres ang responsibilidad sa mga nakababatang kapatid na sina Ciriaco, Procopio, Espiridiona, Troadio, at Maxima. Nagtinda siya ng bastong yari sa yantok gayundin ng makukulay na abanikong papel na siya mismo ang gumawa. Dahil sa maganda niyang sulat-kamay at likas na pagkamalikhain, gumawa rin siya ng mga poster para sa mga bahay-kalakal sa kanyang nalalabing oras. Hindi nagtagal at siya'y nagtrabaho bilang mensahero sa Fleming and Company. Dito'y nagpakita siya ng kasipagan, katapatan, at dedikasyon sa gawain hanggang sa siya'y ma-promote bilang ahente ng kompanya. Ang mahirap na buhay na pinagdaanan niya ang pumanday sa kanya upang maging masikap, matatag, at matapang. Mga katangiang nakatulong sa pagtatatag niya sa KKK.
Subhetibo
Obhetibo
5.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Suriin ang katangian at kalikasan ng bawat pahayag. Tukuyin kung ang paglalarawan ay subhetibo o obhetibo.
Sa gulang na dalawampu ay maaaninag sa binata ang kasipagan dahil sa matipunong pangangatawan at magaspang na palad na pinanday ng kahirapan. Marami-rami na ring trabahong nasubukan si Donato subalit dahil hindi tapos sa pag-aaral ay karaniwang casual lang ang kanyang napapasukan. Minsan na rin siyang naging kantero sa konstruksiyon, waiter sa isang malaking restoran sa Roxas Boulevard, warehouse man sa isang malaking mall sa Mandaluyong, at kung ano-ano pang trabahong karaniwang pang-anim na buwan lang.
Subhetibo
Obhetibo
6.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
2 mins • 1 pt
Basahin ang bawat pahayag na bahagi ng isang tekstong persuweysiv. Tukuyin kung anong paraan ng panghihikayat ang ginamit. Piliin kung ito ethos, pathos, o logos.
- Mga Boss, nanggaling tayo sa sitwasyon kung saan tila nababalot ng kadiliman ang ating bansa; ni hindi natin masigurong may liwanag pang paparating. Binabati na tayo ng bukang-liwayway ng katarungan at pagkakataon.
Nakita naman ninyo ang mga naabot natin. Narinig ninyo ang kuwento ng kapwa natin Pilipinong pinatunayan ang kayang maabot gamit ang sariling lakas, ang pagbabayanihan, ang hindi pag-uunahan, ang pag-aambagan tungo sa katuparan ng kolektibo nating mga adhikain. Ngayon, taas-noo na tayong humaharap sa buong mundo at nasasabing, "Kaya ko. Kaya ng Pilipino. Simula pa lang ito." [Palakpakan]
Opo, simula pa lang ito. Simula pa lang ng isang bansang hindi mapapayuko, bagkus ay nagiging huwaran ng paninindigan sa buong mundo. Simula pa lang ng ginhawang bunga ng kalayaan mula sa katiwalian.
Simula pa lang ng lipunan kung saan ang bawat Pilipino, kung magbabanat ng buto, kung gagawin ang tama, ay tiyak na aasenso. Simula pa lang ito, at hinahamon tayo ng kasaysayang diligan ang transpormasyon, upang magbunga ito ng mas marami pang pagkakataon para sa mga susunod na salinlahi.
Simula pa lang ito. [Palakpakan] Nasa unang yugto pa lang tayo ng dakilang kuwento ng sambayanang Pilipino. Sa gabay ng Panginoong Maykapal, at sa patuloy nating pagtahak sa Daang Matuwid, lalo pang tatayog ang mga pangarap na maaabot natin. Lalo pang lalawak ang kaunlarang tinatamasa natin. Nasasainyo pong mga kamay ang direksiyom natin.
- mula sa State of the Nation Address 2015 ni Pangulong Benigno Aquino III
Ethos
Logos
Pathos
7.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
2 mins • 1 pt
Basahin ang bawat pahayag na bahagi ng isang tekstong persuweysiv. Tukuyin kung anong paraan ng panghihikayat ang ginamit. Piliin kung ito ethos, pathos, o logos.
- Doon nagsimula ang buhay ko bilang lingkod-bayan. Sa maraming taon sa serbisyo, namulat ako sa mga hamon, sa requirements, sa tama at makatarungang diskarte at pagpaplano para masigurong aabot sa taumbayan ang nararapat na serbisyo. Kasama dito ang pagpapasa ng makabuluhang batas, ang pagpapatibay ng ugnayan sa pribadong sektor, ang pagbuo ng consensus na patas, kung saan tanging taumbayan lang ang panalo.
Sa pagiging lingkod-bayan, ang pinakamahalagang natutuhan ko--- sa pagpunta ko sa iba't ibang mga lalawigan, at sa pakikipag-usap ko sa mga kapwa nating Pilipino, magsasaka man o informal settler, nagtatrabaho sa call center o ordinaryong mamamayan: Binibigkis tayo ng ating mga pangarap. Hindi iba ang pangarap ko sa pangarap ng bawat Pilipino; I wish for the Filipino people only what I would wish for myself. After all, who are we if not our dreams?
- mula sa talumpati ni DILG Sec Mar Roxas nang tinanggap niya ang hamon ng pagkandidato bilang pangulo ng bansa, Hulyo 31, 2015
Ethos
Pathos
Logos
Create a free account and access millions of resources
Similar Resources on Wayground
20 questions
filipino 10

Quiz
•
1st Grade - University
20 questions
filipino 8

Quiz
•
1st Grade - Professio...
20 questions
filipino 9

Quiz
•
1st Grade - Professio...
20 questions
Spell Mo Mukha Mo

Quiz
•
6th - 12th Grade
20 questions
Bionote Quiz Grade 11

Quiz
•
11th Grade
20 questions
FILIPINO 11 (PPP) (2nd Sem) Pangangalap ng Impormasyon

Quiz
•
11th Grade
22 questions
WASTONG GAMIT NG SALITA

Quiz
•
11th Grade
20 questions
filipino10 3rd periodical test

Quiz
•
1st - 12th Grade
Popular Resources on Wayground
25 questions
Equations of Circles

Quiz
•
10th - 11th Grade
30 questions
Week 5 Memory Builder 1 (Multiplication and Division Facts)

Quiz
•
9th Grade
33 questions
Unit 3 Summative - Summer School: Immune System

Quiz
•
10th Grade
10 questions
Writing and Identifying Ratios Practice

Quiz
•
5th - 6th Grade
36 questions
Prime and Composite Numbers

Quiz
•
5th Grade
14 questions
Exterior and Interior angles of Polygons

Quiz
•
8th Grade
37 questions
Camp Re-cap Week 1 (no regression)

Quiz
•
9th - 12th Grade
46 questions
Biology Semester 1 Review

Quiz
•
10th Grade