
Ikaapat na Lagumang Pagsusulit sa Filipino 5-1st Kwarter
Authored by Gerlyn Serrano
Other
5th Grade
Used 1+ times

AI Actions
Add similar questions
Adjust reading levels
Convert to real-world scenario
Translate activity
More...
Content View
Student View
10 questions
Show all answers
1.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Sa isang family reunion, ipinakilala ni Carla ang kanyang sarili sa isang matandang kamag-anak na ngayon lamang niya nakilala. Aling paraan ng pagpapakilala ang pinakatama at kultural na angkop sa sitwasyong ito?
Hi! I'm Carla.
Uy, ako pala si Carla.
Magandang araw po, ako po si Carla, apo po ako ni Mang Tomas.
Uy, kamag-anak pala kita!
2.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Nakatanggap ka ng liham mula sa kaibigang matagal mo nang hindi nakikita. Sa liham, ikinuwento niya ang hirap niya sa online learning. Ano ang pinakaangkop na paraan ng pagsagot mo sa kanyang liham?
Bakit ngayon ka lang sumulat?
Hindi ko alam kung ano ang masasabi ko.
Nalulungkot akong marinig iyan, kaibigan. Sana'y magkita tayo muli at magkuwentuhan.
Ako rin, ayoko na sa school.
3.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Napansin mong may bagong kaklase na hindi pa nakikihalubilo sa iba. Gusto mo siyang makausap pero nahihiyang lumapit. Anong angkop na wika ang maaari mong gamitin upang simulan ang pakikipagkaibigan sa paraang magalang at naaayon sa sitwasyon?
Ang tahimik mo naman, gusto mo bang makipagkaibigan?
Pwede bang sumama ka na lang sa amin?
Kumusta ka? Ako si Mark. Gusto mo bang sumama sa amin?
Uy, bakit ganyan ka?
4.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Sumusulat ka ng panuto para sa paggawa ng simpleng paper craft para sa inyong proyekto. Anong panandang ginagamit sa tekstong naglalahad ang dapat mong gamitin upang maging malinaw ang mga hakbang?
Ngunit, datapwat, subalit
Una, pangalawa, pagkatapos
Dahil, sapagkat, upang
Gayundin, bukod pa rito, kaya
5.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Nakita mo ang isang slogan na may temang pangkalikasan na ganito: "Bawat Basura, May Kinalalagyan - Kalikasan ay Alagaan!" Ano ang layunin ng slogan na ito bilang bahagi ng multimedia?
Magsalaysay ng karanasan
Magpahayag ng emosyon
Manghikayat at magbigay ng paalala
Magbigay ng impormasyon
6.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Sa isang open forum sa klase, sinabi ng kaklase mong si Julia: "Hindi ako sang-ayon sa panukala dahil masyado itong magastos." Ano ang maaaring pinakaangkop mong sagot upang ipakita ang panang-ayon na may respeto sa kanyang opinyon?
Wala kang alam!
Tama ka Julia, pero may iba pa tayong paraan upang mapagtipid ito.
Mali ka! Dapat tuloy ang proyekto.
Ganyan ka talaga palagi.
7.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Ipinapanood sa inyo sa klase ang isang instructional video tungkol sa tamang paglalaba. May mga subtitles at tekstong lumalabas sa video. Ano ang mahalagang dahilan kung bakit idinagdag ang text at subtitle sa multimedia presentation?
Para mas maging makulay ang video
Para hindi na kailangan ng guro
Para madaling masundan ang proseso kahit walang tunog
Para madagdagan ng salita ang video
Access all questions and much more by creating a free account
Create resources
Host any resource
Get auto-graded reports

Continue with Google

Continue with Email

Continue with Microsoft
or continue with
%20(1).png)
Apple
Others
Already have an account?