
Retest Filipino 11 Midterm Second Sem (SY 2024-2025)
Authored by Eunice Abrasada
Other
11th Grade
Used 2+ times

AI Actions
Add similar questions
Adjust reading levels
Convert to real-world scenario
Translate activity
More...
Content View
Student View
20 questions
Show all answers
1.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Ang hiwalayang Kathniel ang isa sa pinakamainit na showbiz isyu noong nakaraang taon nang kinompirma sa isang Instagram post ng aktres na si Kathryn Bernardo na hiwalay na sila ng kaniyang matagal na nobyo na si Daniel Padilla. Iba’t ibang pagtanggap ang ibinahagi ng mga netizen sa hiwalayang ito. Anong proseso ng pagbasa ang ipinakita sa pahayag na may salungguhit?
A. persepsyon
B. komprehensyon
C. integrasyon
D. reaksyon
2.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Si Bb. Yumol ay nagbigay ng isang babasahin sa kanyang mga estudyante tungkol sa kasaysayan ng wika. Ano ang papel ng babasahin sa sitwasyong ito?
A. Isang simpleng piraso ng papel na walang kahalagahan.
B. Tulay ng impormasyon.
C. Bagay na kailangang kabisaduhin ng estudyante.
D. Umintindi sa impormasyong mayroon ito.
3.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Ang aklat na pinamagatang “Paghilom” na isinulat ni Kim Derla ay ang paborito kong basahin sa tuwing pinanghihinaan ako ng loob. Alin sa mga sumusunod ang kahalagahan ng pagbasa na ipinakita sa sitwasyong ito?
A. Nakapagbibigay ng inspirasyon at nagpapakita ng iba’t ibang antas ng buhay at anyo ng daigdig.
B. Nakatutulong sa mabigat na suliranin at damdamin.
C. Nagpapalawak ng talasalitaan.
D. Nagdaragdag ng kaalaman.
4.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Ano ang tungkulin ng mambabasa sa proseso ng pagbasa?
A. Lumikha ng babasahing puno ng impormasyon o kuwento.
B. Magturo ng tamang paraan ng pagbasa.
C. Maglagay ng kahulugan sa binabasa batay sa kanyang karanasan at kaalaman.
D. Nagpapaliwanag ng babasahin sa pamamagitan ng pagsasalita sa ibang tao.
5.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
"Anuman ang inyong ginagawa, gawin ninyo ito nang buong puso, na para bang sa Panginoon kayo naglilingkod at hindi sa tao." - Colosas 3:23. Ang bersong ito ay isa sa mga talatang tumatak sa aking isipan mula sa Bibliya, at bilang isang Kristiyano, patuloy ko itong isinasabuhay. Anong kahalagahan ng wika ang nagpapatunay sa pahayag na ito?
A. Nahuhubog ang kaisipan at paninindigan.
B. Nakatutulong sa mabigat na suliranin at damdamin.
C. Nagpapalawak ng talasalitaan.
D. Nagdaragdag ng kaalaman.
6.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Bakit mahalaga ang pagbasa sa pag-unawa ng mga pandaigdigang isyu, tulad ng digmaan?
A. Dahil nalalaman natin ang mga sanhi at epekto nito.
B. Sapagkat napag-aaralan nating gumawa ng sariling balita.
C. Sapagkat natututo tayong makisali sa gulo.
D. Dahil nalalaman natin kung sino ang may kasalanan at dapat sisihin.
7.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
1 min • 1 pt
Anong kasanayan ang pinakamahalaga sa isang pagbasang gumagamit ng Top-Down na teorya?
A. Pagpapakahulugan batay sa konteksto at dating kaalaman.
B. Pagkilala sa bawat titik ng salita.
C. Pagsusuri ng balarila.
D. Pagtuon sa bawat tunog at organisasyon ng mga salita sa teksto.
Access all questions and much more by creating a free account
Create resources
Host any resource
Get auto-graded reports

Continue with Google

Continue with Email

Continue with Classlink

Continue with Clever
or continue with

Microsoft
%20(1).png)
Apple
Others
Already have an account?