
Q3_AP5_REVIEW
Authored by HONEY RIZA YU VEGA
Social Studies
5th Grade
Used 10+ times

AI Actions
Add similar questions
Adjust reading levels
Convert to real-world scenario
Translate activity
More...
Content View
Student View
50 questions
Show all answers
1.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
1. Ang sumusunod ay mga dahilan ng pagkabigo ng mga pag-aalsang Pilipino sa panahon
ng kolonyalismong Espanyol MALIBAN sa isa.
A. Kawalan ng maayos na komunikasyon.
B. Makataong pamamahala ng mga banyaga.
C. Kakulangan sa kahandaan at kaalaman sa pakikidigma.
D. Pagbabayad ng mga Espanyol sa mersenaryong katutubo
2.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
2. Paano ipinakita ng mga Pilipino ang kanilang pagtutol sa kalabisan ng mga mananakop
na Espanyol?
A. Naging sunud-sunuran sila sa mga pinagagawa ng mga banyaga.
B. Pinagsilbihan ng mga katutubo ang mga prayle at opisyal ng mga Espanyol.
C. Tinanggap ng mga Pilipino ang mga patakarang ipinatupad ng mga mananakop.
D. Nagkaroon ng malawakang pag-aalsa laban sa mga pamunuang hindi kaaya-aya.
3.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
3. Paano nasupil ni Gobernador-Heneral Sabiniano Manique de Lara ang nag-alsang si
Francisco Maniago ng Mexico Pampanga dahil sa sapilitang paggawa ng mga galyon?
Sa pamamagitan ng ________.
A. pagpapapugot ng kanyang ulo
B. pagpapatupad ng “divide and rule policy”
C. pagpapaslang sa kanya habang nasa labanan
D. pagpapatugis sa kanya sa mga sundalong Espanyol
4.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
4. Bakit tinutulan ng mga Espanyol na mapabilang sa Dominikanong Orden ang kapatirang
“Confradia de San Jose” na itinatag ni Apolinario dela Cruz o kilala sa pangalang Hermano
Pule?
A. Ito ang daan upang mabisto ng mga Pilipino ang maling turo ng mga prayle at hind na sila susundin
B. Hihigit ang kapangyarihan ng mga paring Pilipino kaysa sa mga paring Espanyol
C. Lalakas ang pwersang katutubo at magkaroon ng malawakang pag-aalsa
D. Lahat ng nabanggit
5.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
5. Alin ang HINDI nagpapatunay sa pahayag?
Ang pag-aalsa ni Francisco Dagohoy sa Bohol ay itinuring na pinakamahabang rebelyon
sa panahon ng kolonyalismo at natapos ng 85 taon.
A. Nabuwag ang rebelyon sa dahilang matanda at mahihina na ang mga kasap kakulangan sa mga sandata at stratehiya sa pakikipaglaban.
B. May dalawampung gobernador-heneral na umupo sa puwesto ang hindi nagtagumpay na apulain ang rebelyon.
C. Nagapi ng mga Espanyol nang mas maaga ang pag-aalsa ng pangkat ni Dagohoy.
D. Matibay ang pagkakaisa ng mga kasapi ng Rebelyong Dagohoy.
6.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
6. Ano ang ipinapakahulugan ng ancestral domain?
A. Mga ari-arian ng mga katutubo at ibinenta sa mga Espanyol.
B. Lupang pagmamay-ari ng mga katutubo na kinamkam ng mga prayle.
C. Lupang pagmamay-ari ng mga Espanyol na ibinahagi sa mga katutubo.
D. Mga teritoryo, lupa, at kayamanan na likas na pagmamay-ari ng mga katutubo.
7.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
30 sec • 1 pt
7. Ang mga pag-aalsang naganap ay bunsod ng mga kalabisan at hindi makatarungang
pamamahala ng mga Espanyol at nais maibalik ang kalayaan. Alin sa sumusunod na mga
aspekto nabibilang mga pag-aalsang ito?
A. politikal, ekonomiko, panrelihiyon
B. politikal, personal na dahilan, panrelihiyon
.
C. kalayaan, ekonomiko, personal na dahilan
D. personal na dahilan, panrelihiyon, Kalayaan
Access all questions and much more by creating a free account
Create resources
Host any resource
Get auto-graded reports

Continue with Google

Continue with Email

Continue with Classlink

Continue with Clever
or continue with

Microsoft
%20(1).png)
Apple
Others
Already have an account?