Search Header Logo

SETC

Authored by Gab Garrie

Education

9th - 12th Grade

Used 6+ times

SETC
AI

AI Actions

Add similar questions

Adjust reading levels

Convert to real-world scenario

Translate activity

More...

    Content View

    Student View

13 questions

Show all answers

1.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

2. Nang papaalis na sina Maria Clara at ang kanyang Tiya Isabel upang kunin nila ang mga gamit ng dalaga sa Beaterio ay siyang dating naman si Padre Damaso. Nang mabatid ng pari ang pakay ng pag-alis ng magtiya ay mapapansing sumama ang mukha nito at sabay tuloy sa bahay ni Kapitan Tiago. Agad din itong napansin ni Kapitan Tiago lalo pa’t nang sabihan siyang kailangan  nilang mag-usap ng sarilinan.                 

Kabanata 3-Sa Hapunan

Kabanata 6-Si Kapitan Tiyago

Kabanata 9-Iba’t ibang Pangyayari 

Kabanata 12-Todos Los Santos

2.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

1.Malugod na ipinakilala ni Kapitan Tiago sa mga panauhin si Crisostomo Ibarra na kadarating lamang mula sa Europa. Mahalatang natakot si Padre Damaso nang makita niya ang binata samantalang ang tenyente naman at ang iba pang panauhin ay labis na humanga sa kanya nang marinig nilang siya ang anak ng nasirang Don Rafael Ibarra na namalagi sa Europa upang magpakadalubhasa. Nahiyang makipagkilala sa kanya ang mga panauhin lalo na ang mga dalagang Pilipina kaya siya na ang gumawa ng paraan para makipagkilala.

             

Kabanata 1.Isang Handaan  

Kabanata 2. Si Crisostomo Ibarra   

Kabanata 5. Gabi ng Karimlan

Kabanata 7.Romansa sa Balkonahe

3.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

5.Ibinahagi ng guro ang iba’t ibang suliraning kanyang hinarap sa kanyang pagtuturo. Ilan rito ay ang matinding kahirapang dinaranas ng mga mag-aaral, ang pakikialam ni Padre Damaso sa paraan ng pagtuturo gaya ng hindi paggamit ng pamalo na bagama’t masama sa loob ng guro ay wala siyang nagawa kundi ang sundin ang payo ng pari.                   Upang maibsan ang sakit at sama ng loob na naranasan ng guro ay nangako si Ibarrang tutulungan niya ito sa pamamagitan ng pulong tribunal nakanyang dadaluhan sa paanyaya ng tenyente mayor.

            

Kabanata 19-Karanasan ng Isang Guro

Kabanata 20-Pulong sa Bayan   

Kabanata 22-Dilim at Liwanag   

Kabanata 24-Sa Gubat

4.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

3.Samantala, habang nagsasalimbayan at dumadagundong ang mga kulog ay naroon sa kampanaryo ng kumbento ang dalawang magkapatid na sakristang humihila ng kampana rito. Sila ay sina Basilio at Crispin na pinagbintangang mga magnanakaw na naging sanhi upang sila’y hindi pahintulutang makauwi sa kanilang tahanan. Tunay na naging kalunos-lunos at kahabag-habag ang kanilang sinapit lalo na si Crispin sa kamay ng sakristan mayor.             

Kabanata 11-Ang Makapangyarihan

Kabanata 11-Ang Makapangyarihan

Kabanata 4-Erehe at Subersibo

Kabanata 15-Ang mga Sakristan

5.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

4.Matapos ang kanilang pag-uusap ni Tenyente Guevarra ay wala sa sariling tumungo si Crisostomo Ibarra sa Hotel Lala. Dito ay patuloy na naglaro sa kanyang isipan ang malupit at malungkot na kapalarang sinapit ng kanyang ama na  naging dahilan upang hindi niya mapansin ang magandang tanawing makikita sa ibayo ng ilog.

                

Kabanata 5-Bituin sa Karimlan

Kabanata 10-Ang San Diego

Kabanata 11-Ang Makapangyarihan

Kabanata 14-Baliw o Pilosopo

6.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

Ito ang dahilan ng pagtigil sa pag-aaral noon ni Pilosopo Tasyo.

.Natakot siya sa mga gurong Kastila na panay mahihigpit

Natakot ang kanyang ina na mawalan siya ng takot sa Diyos 

Naubusan sila ng panggastos sa kanyang pag-aaral

Nawalan ng hanapbuhay ang kanyang mga magulang

7.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

6.Takot na takot si Sisa nang Makita niya ang mga guardia civil sa kanilang munting dampa. Pilit na ipinalalabas sa kanya ang kanyang dalawang anak na pinagbibintangang tumakas at nagnakaw ng pera sa kumbento. Sinabi niyang hindi niya pa rin nakikita ang kanyang mga anak ngunit hindi siya pinaniwalaan ng mga guardia civil. Dahil ditto siya ay pilit na dinakip at hinuli ng mga ito. Lumuhod si Sisa para magmakaawa na huwag siyang isama ngunit hindi siya pinakinggan.

Kabanata 21-Karanasan ng Isang Ina

Kabanata 22-Dilim at Liwanag   

Kabanata 23-Pangingisda

Kabanata 25 -Sina Elias at Salome

Access all questions and much more by creating a free account

Create resources

Host any resource

Get auto-graded reports

Google

Continue with Google

Email

Continue with Email

Classlink

Continue with Classlink

Clever

Continue with Clever

or continue with

Microsoft

Microsoft

Apple

Apple

Others

Others

Already have an account?