Search Header Logo

ESP Q3 Week 8

Authored by Mariane Nericua

Moral Science

4th - 6th Grade

Used 4+ times

ESP Q3 Week 8
AI

AI Actions

Add similar questions

Adjust reading levels

Convert to real-world scenario

Translate activity

More...

    Content View

    Student View

5 questions

Show all answers

1.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

45 sec • 1 pt

Napansin mo na hindi gumagamit ng po at opo ang iyong nakababatang kapatid sa pagsagot sa inyong nanay. Ano ang iyong gagawin?

Sasabihan ko si Nanay na paluin siya.

Sisigawan at pagagalitan ko siya upang matuto siya.

Sasabihin ko sa kaniya na ang batang Pilipino ay magalang kaya dapat na sumagot siya nang may po at opo sa mga nakatatanda.

2.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

45 sec • 1 pt

Ang kababata mong si Ana ay dumating mula sa Amerika. Siya ay halos 5 taon na namalagi sa ibang bansa. Naalala niya ang mga larong pinoy na napanood niya sa telebisyon at nagsabi siya sa iyo na turuan siyang maglaro nito. Ano ang ituturo mo sa kaniya?

Iimbitahan ko siyang magbasketbol.

Tuturuan ko siyang maglaro ng sungka at piko.

Isasama ko siya sa computer shop para maglaro ng computer games.

3.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

45 sec • 1 pt

Sinabihan kayo ng inyong guro na kayo ay sasayaw ng “Pandanggo sa Ilaw” sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Ano ang iyong gagawin?

Sasali ako at pagbubutihin ko ang pag-eensayo.

Hindi ako sasali dahil mahirap ang sayaw na ito.

Makikiusap ako na K-Pop na lang ang isayaw namin dahil iyon ang uso.

4.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

45 sec • 1 pt

Mahirap man ang sitwasyong dinaranas natin dahil sa pandemyang ito, tayo ay hindi nagpatinag, patuloy na nagtutulungan at pinagtibay ng ating pananampalataya. Dahil sa ipinamalas na ito, tayo ay nagtataglay ng katangiang __________.

matatag

maka-Diyos

lahat ng nabanggit

5.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

45 sec • 1 pt

Napansin mong nahihirapan ang iyong kaklase na unawain ang inyong aralin sa English. Laging mababa ang kaniyang iskor sa mga pagsusulit. Samantala, matataas lagi ang iyong nakukuha dahil naunawaan mo nang mabuti ang itinuturo ng inyong guro. Ano ang maaari mong gawin?

Sasabihan ko siyang mag-aral nang mabuti.

Sasabihan ko siyang makinig nang mabuti sa guro.

Lalapitan ko siya at aalukin kung nais niyang mag-aral kami ng aralin namin sa English.

Access all questions and much more by creating a free account

Create resources

Host any resource

Get auto-graded reports

Google

Continue with Google

Email

Continue with Email

Classlink

Continue with Classlink

Clever

Continue with Clever

or continue with

Microsoft

Microsoft

Apple

Apple

Others

Others

Already have an account?

Discover more resources for Moral Science