Search Header Logo

Modyule 2 - Gawain 1 PAGSUSURING PAGSUSULIT

Authored by Joel Turla

Education, Religious Studies, Other

9th Grade

Used 3+ times

Modyule 2 - Gawain 1 PAGSUSURING PAGSUSULIT
AI

AI Actions

Add similar questions

Adjust reading levels

Convert to real-world scenario

Translate activity

More...

    Content View

    Student View

10 questions

Show all answers

1.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

20 sec • 1 pt

Ang katarungan ay pagbibigay sa kapwa ng nararapat sa kanya. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita nito?

a. Kumakain ng sabay-sabay ang mga miyembro ng pamilya.

b. Pinapayuhan ang kapatid na gawin ang kanyang gawaing bahay.

c. Nagkakaroon ng “Feeding Program” ang paaralan para sa mga mag-aaral na kulang ng timbang.

d. Bumibili ang lahat sa paninda ng tindera sa palengke upang makauwi ito nang maaga.

2.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

20 sec • 1 pt

Alin sa sumusunod ang angkop na kilos ng isang makatarungang tao?

a. Pinag-usapan ng mga manggagawa ang kasalukuyang nangyayari sa sistemang legal ng bansa.

b. Inaalam ng mga mag-aaral ang kanilang tungkulin at karapatan sa lipunan.

c. Binibisita ng guro ang mag-aaral na ayaw nang pumasok upang kausapin siya at ang kanyang mga magulang na bumalik ito sa pag-aaral.

d. Nagkikita-kita ang kabataang lalaki sa auditorium ng kanilang barangay tuwing Sabado ng hapon upang maglaro ng basketbol.

3.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

20 sec • 1 pt

Ang sumusunod ay nagpapakita ng pag-unawa sa karapatan ng kapwa maliban sa _________.

a. Pag-unawa sa kamag-aral na palaging natutulog sa klase.

b. Paggabay ng magulang sa anak habang ito ay lumalaki.

c. Pagninilay sa mga nagawa sa buong araw bago matulog sa gabi.

d. Pagsisikap na gumawa ng mga mabubuting bagay para sa kapwa.

4.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

20 sec • 1 pt

Ano ang pangunahing prinsipyo ng katarungan?

a. Pakikisalamuha sa kapwa

b. Paglilingkod sa karapatan ng naaapi

c. pakikipagtulongan sa mga mayayaman at mga mahihirap

d. Pakikipag-ugnayan sa kapwa at kalipunan

5.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

20 sec • 1 pt

Ano ang tamang pagtugon upang makamit ang Katarungan Panlipunan?

a. Ikulong ang lumabag sa batas.

b. Patawarin ang humingi ng tawad

c. Sumunod sa tamang proseso

d. Bigyan ng limos ang namamalimos

6.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

1 min • 1 pt

Bakit mahalagang maunawaan ang mga pagpapahalaga na kaugnay ng katarungang panlipunan? Base sa mga pagpipilian, aling pahayag ang maaaring angkop na sagot?

I. Malalaman mo kung bakit kaugnay ang mga ito sa katarungang panlipunan.

II. Makikita mo kung alin sa mga kaugnay na pagpapahalaga ang kailangan mo para sa iyong sarili.

III. Matataya ang mabisang paraan ng iyong pagsisikap na magpakatao at sa pagtugon sa hamon ng pagiging makatarungan sa kapwa

IV. Mapa-unlad ang kaalaman tungo sa pagtupad ng katarungang panlipunan.

a. I&II

b. II&III

c. IV&II

d. III&IV

7.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

20 sec • 1 pt

Alin sa mga sumusunod ang hindi makatarungang aksyon?

a. Ang pagbibigay ng bagsak na grado sa isang mag-aaral na hindi nakakatupad sa mga kakailanganin sa klase.

b. Ang pagbibigay ng limos sa namamalimos sa kalye.

c. Ang pagkulong sa mga nahuling kargador ng droga.

d. Ang pagsang-ayon sa maling pasya ng kaibigan

Access all questions and much more by creating a free account

Create resources

Host any resource

Get auto-graded reports

Google

Continue with Google

Email

Continue with Email

Classlink

Continue with Classlink

Clever

Continue with Clever

or continue with

Microsoft

Microsoft

Apple

Apple

Others

Others

Already have an account?