Panuto: Basahin ang teksto. Sagutin ang sumusunod na tanong. Bilugan ang letra ng tamang sagot ayon sa hinihingi ng bawat tanong.
Ang Mahika ni Mika
Kuwento ni: Ellain Rose A. Caya
Si Mika ay mas matangkad at mas malusog kaysa kay Maya. Sa kanilang paglalaro, madalas madapa si Maya. Maaga pa lamang ay masaya nang naglalaro sina Maya at Mika ng tagu-taguan sa labas ng bahay. Magbibilang na si Mika, “Isa, dalawa, tatlo, apat, lima...” at si Maya ay magtatago na. Maya-maya pa, natigil ang kanilang paglalaro at nagkaroon ng panandaliang katahimikan. “Aray! Ang sakit!” Malakas na pag-iyak ni Maya ang sumunod na narinig dahil siya ay nadapa at
nasugatan na pala. Patuloy sa pag-iyak si Maya, “Huhuhu...Huhuhu...” “Tahan na, Maya. Gagamutin natin ang sugat mo. Gagaling din naman iyan,” wika ni Mika. “Hindi naman dahil sa sugat kaya ako umiiyak eh.
Nalulungkot ako kasi lagi akong nadadapa. Mabuti ka pa, Mika, hindi ka nadadapa sa tuwing naglalaro tayo.
Malakas ka at hindi ka lampa,” sabi ni Maya. Sinabi ni Mika sa nanay ni Maya ang nangyari. “Naku! Madalas talagang madapa si Maya dahil siya ay lampa,” malungkot na sagot ng nanay niya. “Gusto mo
bang malaman ang sikreto ko kung bakit malakas ako?” Tanong ni Mika. “Aba, oo Mika para magawa ko rin!” “Ako kasi ay may mahika! Hihihi” ani Mika. “Ha? Anong
ibig mong sabihin?” “Ang mahika ko ay ang pagkain ko ng gulay at prutas! Ang masusustansiyang pagkain ang nagbibigay sa akin ng lakas.” “Naku! Simula ngayon
ay kakain na rin ako ng gulay at prutas para maging malakas ako na gaya ng isang superhero!” ani Maya.
“Simula ngayon ay magkapareha na tayo!” sabi ni Mika. “Wow! Parang super girls? Tanong ni Maya. “Oo, parang super twin girls!”
1. Paano nagsimula ang kuwento?