I. A. Basahin ang maikling teksto sa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Prosesyon ng Birheng Maria
Taon-taon sumasama ang pamilya Madrigal sa prosesyon ni Birheng Maria sa kanilang barangay. Hawak-hawak ang kandila, nilalakad nila ang buong barangay habang nagdarasal. Subalit ngayong taon, hindi muna makakasama ang pamilya dahil sa trabaho nina Tatay Robert at Nanay Sandra. Dadalo na lamang ang buong pamilya sa misa sa linggo, na nakapagpagaan ng loob ng lahat.
1. Hindi makakadalo ang pamilya Madrigal ngayong taon dahil sa trabaho nina Tatay Robert at Nanay Sandra, ang bahaging ito ay nagpapakita ng problema ng mga tauhan na tinatawag na ____________.