PHIL-IRI-FILIPINO

PHIL-IRI-FILIPINO

6th Grade

8 Qs

quiz-placeholder

Similar activities

Unit 5: Where will you be this weekend? (Review1)

Unit 5: Where will you be this weekend? (Review1)

4th - 6th Grade

12 Qs

Irregular verbs class VI cz. 3

Irregular verbs class VI cz. 3

6th - 8th Grade

10 Qs

Tayahin

Tayahin

6th Grade

10 Qs

Introduction to simple past

Introduction to simple past

6th - 7th Grade

10 Qs

REVIEW UNIT 5

REVIEW UNIT 5

6th Grade

10 Qs

Walk Two Moons

Walk Two Moons

6th Grade

10 Qs

Exit ticket 6to 06.10

Exit ticket 6to 06.10

6th Grade

10 Qs

London trip

London trip

6th Grade

11 Qs

PHIL-IRI-FILIPINO

PHIL-IRI-FILIPINO

Assessment

Quiz

English

6th Grade

Medium

Created by

METCHIE MAG-USARA

Used 2+ times

FREE Resource

AI

Enhance your content

Add similar questions
Adjust reading levels
Convert to real-world scenario
Translate activity
More...

8 questions

Show all answers

1.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

3 mins • 1 pt

BUHAYIN ANG KABUNDUKAN

Ang mga kabundukan ay isa sa magagandang tanawin sa ating kapaligiran. Taglay nito ang mga punungkahoy na nagbibigay ng ating mga pangangailangan. Makikita rito ang sari-saring mga halaman na nakalulunas ng ibang karamdaman, mga orkidyas, mga ligaw na bulaklak at mga hayop.

 

Ang mga punungkahoy at iba pang halaman ay tumutulong sa pagpigil ng erosyon o pagguho ng lupa dulot ng ulan o baha. Nagsisilbi rin itong watershed para sa sapat na pagdaloy ng tubig.

 

Subalit marami sa mga kabundukan natin ang nanganganib. Ang dating lugar na pinamumugaran ng mga ibon at mga ligaw na bulaklak ay unti-unti nang nasisira. Dahil sa patuloy na pagputol ng mga punungkahoy, marami na ang nagaganap na mga kalamidad tulad ng biglaang pagbaha sa iba’t ibang pook.

 

Sa pangunguna at pakikipagtulungan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang ahensya ng bansa na tumutugon sa pag-aalaga ng kapaligiran at kalikasan, ang pagkasira ng kabundukan ay nabigyan ng solusyon. Ang reforestation o muling pagtatanim ng puno kapalit ng mga pinutol o namatay na mga puno ay isa sa mga programa ng DENR. Maraming tao ang natuwa dito at inaasahan nila na darating ang panahon na manunumbalik ang kagandahan at kasaganaan ng mga kabundukan.

1.            Ano ang nakukuha sa kabundukan na tumutugon sa pangangailangan ng

tao?

a.   bato

b.   ginto

c.   lupa

d.   punungkahoy

2.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

2. Ano ang ginagawa sa punungkahoy na nagiging sanhi ng mga kalamidad?

a.   pagsunog ng puno

b.   pagtanim ng puno

c.   pagputol ng puno

d.   pagparami ng puno

3.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

3. Bakit nawawalan ng hayop sa kabundukan kapag nagpuputol ng mga

puno?

a.   Naliligaw sila sa gubat.

b.   Wala silang matitirahan.

c.   Nakakain sila ng ibang hayop.

d.   Madali silang nahuhuli ng tao.

4.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

4. Ano ang salitang kasingkahulugan ng pagguho ng lupa? (Literal)

a.   erosyon

b.   kalamidad

c.   reforestation

d. watershed

5.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

5. Ano kayang ugali ang ipinapakita ng mga taong patuloy na nagpuputol

ng mga puno ng kagubatan?

a.   mapagbigay

b.   masipag

c.   sakim

d.   tamad

6.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

6. Ano ang magandang maidudulot ng reforestation?

a.    maiiwasan ang tagtuyot

b.    maiiwasan ang pagbaha

c.    maiiwasan ang pag-ulan

d.    maiiwasan ang pagbagyo

7.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

7. Piliin ang angkop na kadugtong ng slogan na “Buhayin ang

Kabundukan:                                                            

a.   Magtanim ng Mga Puno

b.   Ilagay sa Hawla Ang Mga Ibon

c.   Ilipat sa Kapatagan Ang Mga Halaman

d.   Iwasan ang Pagkuha ng Mga Bulaklak

8.

MULTIPLE CHOICE QUESTION

30 sec • 1 pt

8. Ano ang koneksyon ng pagputol ng mga puno sa kagubatan sa pagbaha

sa kapatagan?

a.    Sa kabatagan na babagsak ang ulan.

b.    Kapag wala ng puno, madalas na ang pag-ulan.

c.    Wala ng mga hayop na magbabantay sa daloy ng tubig.

d.    Wala nang pipigil sa pagdaloy ng tubig mula sa kabundukan.