Sagisag at Kultura Filipinas Virtual Kwiz (CLINCHER ROUND)

Sagisag at Kultura Filipinas Virtual Kwiz (CLINCHER ROUND)

6th - 12th Grade

5 Qs

quiz-placeholder

Similar activities

Quiz 2 Week 3

Quiz 2 Week 3

10th Grade

10 Qs

Subukin

Subukin

9th Grade

10 Qs

ESP Unang Markahan - Unang Pagsusulit

ESP Unang Markahan - Unang Pagsusulit

9th Grade

10 Qs

Paghubog sa konsensiya

Paghubog sa konsensiya

10th Grade

10 Qs

Katangiang Pisikal ng Daigdig

Katangiang Pisikal ng Daigdig

7th - 8th Grade

10 Qs

Balik-aral Module 3

Balik-aral Module 3

7th Grade

10 Qs

ANG DIGNIDAD NG TAO

ANG DIGNIDAD NG TAO

7th Grade

10 Qs

1st Summative Test

1st Summative Test

11th Grade

10 Qs

Sagisag at Kultura Filipinas Virtual Kwiz (CLINCHER ROUND)

Sagisag at Kultura Filipinas Virtual Kwiz (CLINCHER ROUND)

Assessment

Quiz

History, Social Studies, Other

6th - 12th Grade

Hard

Created by

JAY ESPARTERO

Used 1+ times

FREE Resource

5 questions

Show all answers

1.

FILL IN THE BLANK QUESTION

1 min • 1 pt

Ito ay Isang katutubong balabal laban sa ulan. Sa panahong walang kapote, pinagtatagni-tagni ng sinaunang Filipino ang pinatuyong mga dahon ng anahaw at ibinabalabal sa mga balikat at likod ng magsasaka kapag kailangang lumabas ng bahay at magtrabaho sa bukid kahit malakas ang ulan. May sintas ang pang-itaas na “leeg” at ibinubuhol ito sa harap ng leeg ng maysuot upang hindi malaglag ang balabal kapag kumilos siyá o kahit malakas ang hangin. Karaniwang katerno nitó ang salakót o sombrerong bulé bilang proteksiyon sa ulo’t mukha. Nahahawig ito sa vakúl ng mga Ivatan.

2.

FILL IN THE BLANK QUESTION

1 min • 1 pt

Ito ay tumutukoy sa isang munti at singit na palapag sa isang bahay o gusali na nása pagitan ng regular na dalawang palapag. Mula ito sa Espanyol na literal na nangangahulugang “sa pagitan ng mga sahig o palapag.”

Nauso ito sa mga lungsod upang higit na pakinabangan ang espasyo ng mga lumang gusali na may tradisyonal na mataas na súkat ng pagitan ng sahig at bubong ng bawat palapag.

3.

FILL IN THE BLANK QUESTION

1 min • 1 pt

Siya ang unang Filipinong punòng nars at superintendente sa Philippine General Hospital School of Nursing. Sa kaniyang inisyatiba nabuo ang mga pamantayan para sa mga paaralang narsing at naitaas ang kalidad ng mga gradweyt ng narsing.

4.

FILL IN THE BLANK QUESTION

1 min • 1 pt

Isang sinaunang sisidlan, parihabâ, tila pinagtaklob na kahon, at yari sa materyales na masinsing nilála ang tampípi. Kung matigas ay gawa na nilálang mga nilapát na kawayan o yantok. Kung malambot na tila banig, may patigas itong kahoy o makapal na tela sa loob. Karaniwang sisidlan ito ng damit at ibang mahalagang personal na gamit para sa mahabà o matagal na paglalakbay.

5.

FILL IN THE BLANK QUESTION

1 min • 1 pt

Ito ay isang diyaryo sa wikang Espanyol at naging pangunahing tinig ng Kilusang Propaganda para sa mga kailangang reporma sa Filipinas noong panahon ng kolonyalismong Espanyol. Isa itong quincenario, na nangangahulugang lumalabas tuwing dalawang linggo, at unang inilimbag sa Barcelona, Espanya. Lumabas ang unang isyu nitó noong 15 Pebrero 1889 sa pamamatnugot ni Graciano Lopez Jaena.