
Mga Sistemang Pang-ekonomiya
Authored by Lindhel Paguio
Social Studies
9th Grade
Used 7+ times

AI Actions
Add similar questions
Adjust reading levels
Convert to real-world scenario
Translate activity
More...
Content View
Student View
15 questions
Show all answers
1.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
20 sec • 1 pt
Ang alokasyon ay tumutukoy sa sistema ng paghahati-hati ng mga pinagkukunang-yaman upang maiwasan ang kakapusan. Paano ito isinasagawa sa loob ng pamilya?
Ang kita ng magulang ay pinagkakasya para sa pangangailangan ng lahat ng kasapi.
Ang pamilya ay baon sa utang dahil sa bisyo ng magulang
Ang pamilya ay umaasa sa ayuda ng pamahalaan lalo na ngayong pandemya
Ang mga anak ay huminto sa pag-aaral dahil sa hirap ng buhay
2.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
20 sec • 1 pt
Sa sinaunang panahon, umiral ang tradisyonal na ekonomiya. Paano isinasagawa ang alokasyon sa tradisyonal na ekonomiya?
Ang yaman ay kontrol ng pamahalaan at gumagawa sila ng produkto upang ibenta sa mga mamamayan
Ang yaman ay para sa lahat at anumang produksyon ay pinaghahatian ng bawat kasapi ng lipunan
Ang mga tao ay gumagawa ng produkto upang ibenta sa pamilihan at magkaroon ng malaking kita
Ang mga pangangailangan ng mga tao ay tinutugunan ng pamilihan
3.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
20 sec • 1 pt
Ayon kay Adam Smith, maganda ang pagkakaroon ng kalayaan sa pamilihan. Ayon sa kanya, ang hindi pakikialam ng pamahalaan sa produksyon ay magdudulot ng paglago ng ekonomiya. Paano nakatutulong ang kalayaan ng prodyuser sa pag-unlad ng bansa?
Ang mga prodyuser ay magiging manggagaya o imitator sa paggawa ng produkto kaya magaganap ang pagbaba ng presyo ng paninda
Ang mga prodyuser ay magiging malikhain sa paggawa ng produkto at ang kompetisyon ay magdadala ng pagsigla ng ekonomiya
Ang mga prodyuser ay susunod sa dikta ng pamahalaan at magbabayad sila ng buwis na magiging pondo ng bayan
Ang mga prodyuser ay may pagkukusa sa paggawa ng mga produkto mula sa mahal na input para kumita sila ng malaki
4.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
20 sec • 1 pt
Magkakaiba ang mga sistemang pang-ekonomiya ayon sa kung sino ang nagdedesisyon sa pamamahagi ng yaman. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng tamang ideya hinggil sa mga gumagawa ng desisyon?
Ang mga kalalakihan sa lipunan ang nagdedesisyon sa sistemang mixed.
Ang mga kababaihan sa lipunan ang nagdedesisyon sa sistemang tradisyonal
Ang estado o iilang lider ang nagdedesisyon sa sistemang command
Ang pamahalaan ang nasusunod sa sistemang market o pampamilihan
5.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
20 sec • 1 pt
Isa ring pagkakaiba ng mga sistemang pang-ekonomiya ay kung paano ang pamamahagi ng mga yaman o resources. Paano isinasagawa ang alokasyon sa sistemang command?
Ang mga produkto at serbisyong ginagawa ay para sa iilang maykaya
Ang mga produkto at serbisyo ay para sa lahat
Ang mga produkto at serbisyo ay ibebenta para kumita
Ang mga produkto at serbisyo ay ibabahagi sa mga mahihirap
6.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
20 sec • 1 pt
Sa ilalim ng command economy, ang mga pagpapasya kung anong produkto at serbisyo ang dapat na likhain ay nakasalalay sa kamay ng pamahalaan. Ano ang negatibong dulot nito?
Malilinang ang pagiging malikhain ng mga prodyuser na magdadala ng kompetisyon sa pamilihan
Magiging palaasa ang mga mamamayan sa pamahalaan
Hindi malilinang ang pagiging malikhain ng mga prodyuser
Hindi uunlad ang bansa dahil konrolado ang galaw nila
7.
MULTIPLE CHOICE QUESTION
20 sec • 1 pt
Kung ikaw ay kabilang sa sistemang tradisyonal, ano ang magandang katangian nito?
Ang kayamanan ay kontrolado ng gobyerno kaya walang nakalalamang
Ang mga tao ay nagtutulungan at kung ano ang produksyon nila ay pantay na pinakikinabangan ng mga kasapi
Ang mga yaman ay pag-aari ng mga mamamayan at kung sino ang may maraming pag-aari ay itinuturing na mayaman
Ang mga yaman ay ipinagbibili kaya nakakalikom ang gobyerno ng pondo
Access all questions and much more by creating a free account
Create resources
Host any resource
Get auto-graded reports

Continue with Google

Continue with Email

Continue with Classlink

Continue with Clever
or continue with

Microsoft
%20(1).png)
Apple
Others
Already have an account?